Pinoy Star | View Details Page

EVENTS

With God, nothing is impossible... Simbang Gabi stories of heartbreak and misery end in courage and strengthened faith

CHEATING HUSBAND WANTS  SECOND CHANCE
Dear Father Angel,
Itago niyo na lang po ako sa pangalang Ana. Laking pasasalamat ko sa Diyos na nabigyan hindi lang ako, pati na rin asawa at kuya ko, ng magagandang oportunidad dito sa Singapore. Mahigit limang taon na kaming nagtatrabaho dito. Awa ng Diyos, may konti na rin kaming naipundar at nakakatulong naman kami sa aming mga pamilya. 
Ang buhay may asawa ay hindi biro. Masaya na malungkot. Matamis na mapait. College boyfriend ko ang mister ko. Eleven years bago kami nagdecide mag-settle down. Nung buhay pa ang tatay ko, ayaw na ayaw niya sa boyfriend ko. Feeling ko nung mga panahong yun, marami nang signs binigay si Lord na hindi ko siya dapat piliin. Pero, 'ika nga, "Kapugngan pa ang baha, nungkang gugma!" It’s a Bisaya phrase meaning: "Napipigilan pa ang baha kesa sa pag-ibig!" Nung nag "I do" na kami sa simbahan, biglang kumidlat at kumulog. Kahit pa man, tuloy pa rin ako sa desisyon kong maging forever na kabiyak niya.
In 2010, isang taon matapos ang aming kasal, nagkatrabaho ako dito sa Singapore. Sumunod siya a few months later. Sa mahigit limang taon naming pagtratrabaho dito, niloloko pala ako ng asawa ko. Wala akong kaalam-alam dahil sobrang tiwala ko sa kanya. Ngunit wala talagang sikretong hindi nabubunyag. God works in mysterious ways po talaga. 
Nalaman ko nung October 2013 na may babae siya sa Pilipinas simula January 2012 pa. Nagchachat lang sila pero dalawang beses siyang nagbakasyon sa Cebu na hindi ako kasama. Yun pala nagkikita sila. Nung una’y dinideny niya pero sa huli, inamin din. 
Sobrang sakit po, Father. Gumuho ang mundo ko. Nawalan ako ng ganang mabuhay. Naaawa ako sa sarili ko –feeling ko napaka-stupid ko na hindi ko namalayan ang lahat. Naubos lahat ng tiwala at pagmamahal ko sa asawa ko to the point na willing akong talikuran sya. Pero medyo makapal rin ang mukha ng mister ko. Ayaw umalis. Namuo ang sobrang galit sa puso ko bawat araw na kasama ko siya. Ang dating ako na mapagtiwala, mapagkumbaba at masayahin ay unti-unting naglaho.
Pero palagi akong nagdarasal noon na sana tanggalin na ni Lord lahat ng galit sa puso ko. That I would learn to forgive. I prayed that He would let me see the good in others, to see the brighter side of the situation, and to have genuine compassion to understand others. Na sana makita ko muli ang kabaitan ng asawa ko, more than the wrongs he had done to me. Hanggang ngayon, yun pa rin pinagpipray ko.
Sabay po kaming nagsi-Simbang Gabi. Alam ko na pinagsisisihan na niya ang mga nagawa niya. And that he needs my help and prayers na makapag-move on kami from the past. One day at a time, 'ika nga. 
Hindi ko pa masasabing may full trust na ko sa asawa ko. Pero, sigurado po ako sa tiwala ko kay Lord. He sees the big picture; I don't. And He knows what's best for His people. Yun po ang pinanghahawakan ko ngayon. 
If mangyari man na saktan ulit ako ng asawa ko, I know in my heart that I will be more courageous and I will be comforted by God's unconditional love, no matter what happens.
Para sa lahat ng mga mag-asawang nakaranas ng pinagdaraanan namin, have faith lang in the Lord. Hindi Niya tayo bibigyan ng suliraning hindi natin kaya. Thank you, Father.
                                                                                                                                                                                                                                                 Ana
 
 
RISKING EVERYTHING FOR THE UNREACHABLE STAR
Dear Father Angel,
Ako po si Ivan, isang engineer. Pumunta ako sa Singapore nung 2012. Tulad po ng karamihan, nakipagsapalaran ako sa paghahanap ng trabaho. Hindi naman ako binigo ni Lord kasi binigay niya naman sakin pagkatapos ng dalawang linggo. Maayos ang trabaho ko pero ilan sa mahal ko sa buhay ay nagkaroon ng malubhang sakit. Mahirap kasi wala akong masyadong nagawa dahil malayo ako. Ganun pa man, nalampasan ko ang mga pagsubok na yun. 
Isa rin akong part-time model and actor sa Singapore. Pangarap ko kasi talagang mag-artista mula nung bata pa ako. Sa Singapore, unti-unti kong natupad ang pangarap na yun. Dumating ako sa point na parang handa na akong iwan ang pagiging isang engineer dito para tuparin ang pangarap kong mag-artista sa Pilipinas. May mga araw na iniiyakan ko talaga yun pero huwag niyo po ko pagtawanan, please. 
Next year, uuwi na ako for good. Gagawin ko yun para mas mapalapit ako sa mga mahal ko sa buhay at para magsimula ulit. Itutuloy ko pa rin ang pagiging engineer at kung mabibigyan ng chance, ipu-pursue ko ang pag-aartista. Mukhang mababaw pakinggan ang wish ko kay Lord pero iba-iba lang ang desires ng puso natin. May naghahanap ng #Forever, may naghahanap ng magandang career, at heto naman ako trying to reach the Unreacheable Star. 
Naniniwala po ako na walang imposible kay Lord. Ang IMPOSSIBLE ay pwedeng maging I’M POSSIBLE. Naniniwala ako na hindi natatapos ang lahat sa pagdadasal at pagwish kay Lord. Ang mga nais natin ay kailangan rin nating paghirapan. Faith, passion and devotion will drive us to fulfilll our heart's desire, in God's time. Sana po ay naka-inspire ako sa iba sa kwento ko.
                                                                                                                                 Nagmamahal,
                                                                                                                                                       Ivan
WIFE FIGHTS FOR COMATOSE HUSBAND 
 
Dear Father Angel,
Ako po si Jeanette Blacer. Isa rin po akong taga-subaybay sa Simbang Gabi sa loob ng pitong taon na po. Ilang taon ko po nakumpleto ang Simbang Gabi at marami sa mga wish ko ay natupad. Nakalipat ako sa magandang company, nakapagtrabaho dito ang asawa ko at nagkaroon pa kami ng anak.
Pero dumating ang matinding pagsubok sa amin nung May 2015 nang magkaroonn ng matinding karamdaman ang asawa kong si Archie. Nagkaroon siya ng bleeding sa utak at nauwi iyon sa brain surgery. Ni sa panaginip, hindi ko naisip na daranas kami ng ganito katinding problema. Nag 50-50 po siya at na-comatose. Sobrang na-stress ako financially, physically at emotionally. Naisip kong sumuko minsan subalit naiisip ko pa rin na may awa ang Diyos at matatapos rin ang lahat. Kawawa naman ang anak namin kung pati ako ay bibigay rin. Lahat ng problema ko, ipinaubaya ko na lang sa Panginoon. Sinabi ko na Siya na lang ang bahala sa amin. Sa Kanya lang ako kumapit.
Sa awa ng Diyos, maraming tao ang tumulong sa amin. Hindi lang mga kababayan nating Pilipino kundi ibang lahi rin. Nagbibigay sila ng tulong sa pamamagitan ng prayers at ganun sa pinansyal na aspeto. Ngayon po, malaki na ang improvement ni Archie. Sobrang nakakataba ng puso pag iisipin mo na walang imposible pag ang Diyos ang kumilos. Lahat ng bagay nagiging posible.
Dahil sa mga nangyaring ito sa amin, mas lalo kaming napalapit sa Panginoon. Marami rin kaming nakilala na iba’t ibang community at charismatic groups. Nag-aattend kami ng healing Mass at Bible sharings. 
Aaminin ko, hindi palasimba ang asawa ko. Katwiran niya, basta nagdarasal siya gabi-gabi, ayos na yun. Ngayon niya na-realise na pag ipinaubaya mo sa Panginoon ang buhay mo, tsaka mo mararamdaman ang kapayapaan. Ang gaan sa kalooban kapag sinapuso mo ang Panginoon.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa kabutihang loob ng mga taong tumulong sa amin. Kahit hindi nila kami kilala ay hindi sila nagdalawang-isip na tumulong sa amin.
Tunay po na kung mananalangin lang tayo sa Panginoon, lahat ng hiling natin at matutupad. Wala pong imposible sa Diyos kung mananalig lang tayo sa Kanya. 
                                                                                                                                                                                                                          Lubos na gumagalang,
                                                                                                                                                                                                                                                   Jeanette
 
LAST MINUTE ESCAPE FROM DEPORTATION 
 
Dear Father Angel,
 April 2011 nang lumipat ako sa Singapore. Napakabait ng Diyos kasi turista lang ako nun. On the last week of my tourist visa, nagkatrabaho ako. Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho hanggang nakalimutan ko ang Diyos. Sabi ni Papa nun, matigas daw ulo ko. Di raw ako nagigising sa mga simpleng kalabit; dapat daw binabatukan ako. Isang dagok nga ang inabot ko. Ang trabahong pinapahalagahan ko ay biglang nawala sa akin.
April 2014 hindi narenew ang visa ko. Walang ipon, walang trabaho, walang mga magulang. Tsaka ko lang naalalang lumapit sa Diyos. Aminin man natin o hindi, kapag lahat ay maayos di natin Siya pinapansin. Ni hindi ko magawang magsimba kasi pagod ako. Yun ang lagi kong dahilan. 
Back to zero uli ako, Father. Apply diyan, apply dito. Matapos ang isang buwan, kinailangan ko lumabas ng Singapore. Pagbalik ko, apply diyan, apply dito. Ito ang buhay ko mula April hanggang September. Lubos ang pasasalamat ko kasi nawalan man ako ng trabaho, hindi ako tinalikuran ng mga kaibigan ko. Sila nagbabayad ng renta’t pagkain ko, at nagbubook ng tiket at tutuluyan ko kapag lumalabas ako ng Singapore. 
Sept 2014 sa Kuala Lumpur ako nag-exit for 13 days. Walang kausap, walang kasama. Dun ko napagnilayan lahat ng mga kamalian ko sa buhay. Naghanap ako ng simbahan dahil dun ko lamang nahahanap ang kapayapaan na hinahanap ko. Pagbalik sa Singapore, naharang ako sa immigration at inimbistigahan. Bakit daw ako pabalik-balik ng Singapore? May illegal ba akong ginagawa? Nagsinungaling ako, Father. Sabi ko nagbabakasyon ako. Di sila naniwala. Paulit-ulit ang mga tanong. Kinuhaan nila ako ng fingerprints. Mahigit dalawang oras na akong nasa office. May Pinay dun na idedeport na siya pabalik ng Pinas. Kinabahan ako. Nagdasal ako. Humingi ako ng kapatawaran dahil nagsinungaling na naman ako. Sinabi ko sa sarili ko handa na ako. Kung idedeport nila ako tanggap ko na. Masasabi ko sa sarili ko na di ako basta-basta sumuko. Araw-araw mula April hanggang Sept, nasa kalsada ako ng Singapore, naghahanap ng trabaho. 
Hindi sa lahat ng panahon binibigay ng Diyos ang mga gusto natin pero binibigay Niya ang mga kailangan natin. Habang nasa office nag-Whatsapp sa akin yung bestfriend ko. Screen shot ng visa approval ko mula MOM. 
Praise and glory to God!!! Sinabi ko sa immigration officer ang totoo: Naghahanap ako ng trabaho. Pinakita ko sa kanya yung picture. Chineck niya online sabay tinatakan ang passport ko. Sabi sa akin: This is the last time na papasok ka sa Singapore na walang pass. 
Father, mula Changi Airport hanggang sa bahay namin sa Toa Payoh, walang tigil ang pag-iyak ko. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan ako sa loob ng tren. Kinabukasan, tinawagan ako ng HR ng hotel na inapplayan ko. Pinapupunta ako para sa contract signing ko.
Grabe, Father. Napakabait ng Diyos sa isang kagaya kong makasalanan. Naka-isang taon na po ako sa kumpanyang pinagtratrabahuhan ko. Ang pinakahuling biyayang pinagkaloob sa akin ng Diyos ay nagawaran ako ng "Supervisor of the Year" award.
Walang humpay na pasasalamat ang binabalik sa ating Diyos. Naglalaan na ako ng oras para sa Kanya, 'di kagaya ng dati. Sa dinamirami ng mga kasalanang ginawa ko sa buhay, ‘di ko masisisi ang Diyos kung talikuran Niya ako. Pero kabaligtaran ang ginawa Niya – mas lalo Niya akong niyayakap at mas lalo Niyang pinaparamdam ang Kanyang pagmamahal!
Maglaan po tayo ng oras para sa Panginoon at pasalamatan natin ang lahat ng kaganapan sa ating buhay. Maraming, maraming salamat sa Diyos! God bless us all, Father!
 
                                                                                                                                                                                                                             Lubos na gumagalang,
                                                                                                                                                                                                                                                    Raymond
 
GOD HELPED ME BEAT MY MOTHER-IN-LAW
 
Dear Father Angel,
 Ikubli mo po ang katauhan ko sa pangalang Carlos Miguel. Di ko makalimutan ang araw na ito dahil ito ang ika-isang taon na sumulat ako at ibinahagi ko ang hiwaga ng aking Simbang Gabi 2014. Nai-share ko kasi dati na eight days pa lang ay granted na ni Lord ang wishes ko. It was fully granted kahit ‘di pa tapos ang Simbang Gabi. The Family Court of Singapore Order decided in my favour regarding the guardianship of my two sons. The order was started last 1 Jan 2015. Every weekend, both of them were in my custody. 
The first weekend, nakasama ko nga mga anak ko. Pero on the second weekend ng Jan, ayaw na naman ibigay ng kabilang partido sakin ang mga bata dahil daw mag-aapila sila sa High Court ng Singapore. ‘Di pa pala tapos ang labanang ito.
Buo pa rin ang loob ko at ‘di ako nawalan ng pag-asa dahil wish ko ito sa Simbang Gabi. Ngayon pa ba ‘di maga-grant ang wish ko eh from 1999, wala pa akong wish na ‘di natupad? Simbang Gabi ang top weapon ko. ‘Di ako maniniwala na mawawala ang guardianship ko sa dalawang boys ko. Bilang isang ama, napakaimportante nila sa akin. Madaling palitan ang asawa pero ang mga anak ay dugo at laman ko. At higit sa lahat, ipinaglaban ko ang karapatan ko dahil magkakasingpogi kaming tatlo. Hahahaha! Joke pero totoo po, Father...
May 2015 ay final hearing namin sa High Court ng Singapore. Doon ko nalaman na, tulad ng dating gawi pala, ginagatungan ng biyenan ko na mag-apila and ex ko sa High Court. 
Ang desisyon ng Hukom ng High Court ay pareho lang ng sa Family Court. Yan ang magic ng Simbang Gabi – na kahit sa kahuli-hulihan ay ‘di tayo napapabayaan.
Bago ko tapusin ang liham ko, alam kong maraming mother-in-law na nagsisimba ngayon, Father. Isang payo lang: sana ang biyenan ay huwag maging dahilan at gumatong sa hiwalayan ng mag-asawa. Maawa po sana kayo sa mga apo niyo na sana buo ang pamilya.
Para kasing totoo ang kasabihan na “ang ina ay ilaw ng tahanan at ang ama naman ang haligi… at ang biyenan naman ay anay ng tahanan na bukod-tanging makakasira sa haligi”. 
Sabi po nga ng mga kasamahan kong Singaporeans: "Walaue, brother. Here in Singapore is standard lah! That the mother-in-law is also known as monster-in-law. Please be punctual and understand lah. Without the mother-in-law, you no had wife, correct or not?”
Until here na lang, Father Angel. See you sa Simbang Gabi of 2016.
 
                 Respectfully Yours,
Carlos Migue
 
HEALING A BROKEN MARRIAGE
 
Dear Father Angel,
  I've been living and working here for over 16 years. I am so thankful and grateful to God for blessing me and my family. It was not all roses along the way, but it was a journey that shaped me and helped me be strong and be the person I am today.
It's true, patience is a virtue. When I came here, I was already married and I tried to get my husband to join me here. It took us five long years for him to join me here permanently, after exhausting so much effort in applying for jobs, for a Dependant Pass, a Long Term Visit Pass, etcetera. Name it, we've tried it.
At that time. we were so happy because we could finally start a family. We saw a fertility doctor to help us concieve but since we were apart, it was an on and off thing. Finally, we thought, we could really focus on it. 
But what we assumed was an easy task proved to be challenging. It was heartbreaking most times, to the point that I considered going for IVF but my hubby was reluctant. 
After praying very, very hard and waiting for 10 long years, we were finally blessed with a perfect child. He's the most beautiful baby I've ever seen (and I’m not saying that just because I'm his mom) and he's more than what we wished for. Truly, God's love is remarkable and boundless and we need only to trust in Him so that we can live the life that He intends for us. 
Over the years, I became so preoccupied with work and family obligations that I was not able to complete any of the Simbang Gabi till 2014, when I found myself at the lowest point of my life. 
My husband and I were on the brink of separation and I was asking God for guidance as I was very confused and hurt. I did not wish for anything but for strength and peace of mind. That whatever happens, I would be able to move on, live my life, be a good mother and raise my child right.
God really moves in mysterious ways because He used our friends as His instruments to bring my hubby and I back together to start anew. Forgiveness was not easy but I learned that being a Christian means learning to forgive because God has forgiven the inexcusable in you. 
Now, our married life is better, probably because our love has already been tested and we learned a lot from the past hurts and pains we caused each other. It's not perfect. It's still a work in progress. Most people long for "forever" without realising that to get there, one has to work really, really hard to achieve it.
So, Simbang Gabi 2015 was for us to thank God for never giving up on us, for loving us even if we sin, and for never failing us. Truly, in His time, He makes all things beautiful. In His time. 
Sincerely yours, 
Nina (not her real name)
 
UNHAPPINESS AT WORK DESTROYED HER FAMILY
 
Dear Father Angel,
For 40 years of my life, nung 2015 lang ako natutong lumapit sa Diyos ng buong puso, magbasa ng Bible at magkaroon ng interes na mag-Simbang Gabi at mabuo ang nine days na Misa. Ngayon ko lang din nakita how blessed I am. Meron pala akong mapagmahal at mabuting asawa at mga mababait na anak. 
Noon, nagdarasal ako pero hindi taimtim. Madalas nga, nakakatulugan ko pa. Ilang taon nang hindi ako masaya sa trabaho, na siyang naging dahilan para ibuhos ko sa asawa ko lahat ng galit ko sa mundo. Wala akong na-a-appreciate na kahit anong bagay, lalo na sa pamilya ko, dahil pakiramdam ko, pasan ko ang krus dahil kailangan kong magtiis sa trabaho kunsaan hindi ako masaya.
In 2015, iniwan ako ng asawa ko dahil sa mga bagay na ‘di namin napagkakasunduan at masasakit na salita na binitawan ko. Napagod na siya sakin.
Last year rin, kapalit ng pag-iwan sakin ang asawa ko, hindi ko na pinoproblema trabaho ko. As in, nabawasan ang stress ko sa trabaho. Sa kabila ng pag-iwan sakin ng mister ko, namulat naman ang mga mata ko. Doon ako natutong mahalin ang Diyos, turuan ang mga anak ko na magdasal at magbasa ng Bible, at i-lead sila closer to God. 
Higit sa lahat, natutunan kong i-appreciate kahit ang pinakamaliit na bagay na nangyayari sa buhay ko. Natuto akong magkaroon ng concern sa kapwa, wag mag-worry at maging positive sa lahat ng bagay.
Naniniwala ako na nangyayari ito para sa ikabubuti namin at naniniwala rin ako na God is leading me and my husband to a better life and that He will soon restore our marriage, once restored na ang mga sarili namin. A marriage centred on God and a family that gives and received unconditional love.
Gusto ko i-share itong letter na‘to sa lahat para mapaabot ko sa kapwa ko na ang tanging kayamanan na pwede natin ibigay sa mga anak natin ay ang isang buo at nagmamahalang pamilya. 
Na dapat isentro natin ang Diyos sa pagsasama natin. Dapat ina-appreciate natin kahit ang pinakamaliit na bagay sa buhay natin. At kailangan nating matuto na magmahal nang buo at magbigay ng suporta sa isa’t isa. 
Higit sa lahat, ‘wag tayong magsasabi ng masakit na salita sa taong mahal natin. Oo, nagkakamali tayo. Pero sa mga pagkakamali natin, tayo’y matututo.
Sa pagbuo ko ng nine days of Simbang Gabi, umaasa ako na mabubuo rin ulit ang pamilya ko. Hindi man sa ngayon pero in God’s perfect timing. 
Patuloy po tayong magdasal sa Diyos at umasa na with God, nothing is impossible.
Waiting with faith, 
Lila (not her real name)
DAD DIED ON SON’S BIRTHDAY
 
Dear Father Angel,
Tawagin niyo na lang po akong Mike. My family & I have been here in Singapore for nine years. I am an engineer and my wife is a medical technologist. We’ve been blessed with two daughters. My youngest was born here and I call her our “credit card baby” kasi credit card pinambayad namin sa hospital when she was born. Hehehe. 
Way back in 2009, I received an unexpected call from my cousin when I was at work, asking me what happened to my dad. That day, I knew my father was doing fine and going for an operation in a couple of days, kaya ako naman, nagkwento lang sa pinsan ko na my father is bed-ridden due to a tumour in his inner left ear that caused loss of balance and giddiness. Na agad-agad kaming nagpa-schedule ng operation but his hospital was washed away by Typhoon Ondoy kaya bumilang kami ng buwan before we finally got him scheduled at another hospital with a diffrent doctor. Na bumagsak ang weight niya because of waiting but that he was still OK. 
After my story, my cousin replied: “Ay, akala ko alam mo na… Wala na si Papa mo. Sinabi sa akin ni Ate kanina lang, cardiac arrest. Tawag ka sa inyo.” 
Father, para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi napigilang umiyak. I immdiately called my mom to confirm. Hindi raw nila pinaalam kaagad sakin dahil baka mabigla ako. Ang masaklap pa, birthday ko nung araw na yun.
I asked God, why me? Why my father? Why did this thing happened to me? Akala ko sa movie or teleserye lang nangyayari ito. Perhaps walang talagang forever kasi after a year and a half, sumunod na rin ang mother ko due to lung complications. 
Sabi nga ni misis, God may have better plans for you. God was only testing your trust and faith. So we kept praying…
Pero Father, God was really good. Tama kayo. After all the trials, blessing started to pour in: new good jobs, promotions, overseas travels, new houses sa Pinas at  dito. In 2014, Father, my family received another big blessing which was our only wish sa Simbang Gabi 2013: my family will move to Canada this year for a much better future to start another chapter in our family’s life. 
Thank you, Father for contuining to inspire and enlightening us about the Word of God.
 
Lubos na gumagalang,
Mike

"Wala na si Papa mo.Tawag ka sa inyo…’Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Hindi ko napigilang umiyak.Ang masaklap pa, birthday ko nung araw na yun… ”

TRADING PHONY LOVE FOR TRUE FRIENDS
 
Dear Father Angel,
Ako po si “Auntie”. Katulad ng maraming kababayan natin, isa rin ako sa mga taong dumaan sa butas ng karayom bago makapagtrabaho sa Singapore. Pero after four months, nacancel yung Pass ko dahil daw sa quota at problema sa agency. Hindi ko alam anong gagawin ko. Nagbabayad pa ako ng placement fee ko tapos mawawalan na ako agad ng work? Parang gumuho lahat ng pangarap ko. Dumating nga sa puntong gusto ko nang tumalon sa building. 
Bukod pa run, sumunod ang boyfriend ko dito na nagbabaka-sakaling makahanap ng trabaho. Kaso sagot ko rin lahat sa kanya! Sabihin nating eng-eng rin ako pagdating sa pag-ibig. Sobra kase akong magmahal… Ibibigay ko na lang sa pamilya ko, ibibigay ko pa sa kanya. Tanga na kung tanga. Mahal ko eh.  
That time, kapit lang ako kay Lord. After two weeks, tumawag ang company namin at sinabing ililipat na lang raw ako sa ibang agency at naka-apply na yung Pass ko. Thank God!
Yung boyfriend ko, after four months,  umuwi na sa Pinas dahil hindi siya nakakuha ng trabaho dito. Pero ang pinakamasakit dun, umamin siyang hindi niya ako ganun kamahal. Sobrang sakit, Father Angel. Para akong sinaksak ng pitong beses, literally. Ang hirap kasing malayo ako sa pamilya’t walang karamay. Pero hindi ako pinabayaan ni Lord. He gave me wonderful  people na nakiramay sakin. Sa awa ni Lord, nakilala ko yung mga magaganda kong housemates (iyon nga lang po, lahat kami single, hehehe). Sabi ko,  “Yes! Hindi ako nag-iisa.” 
Sila po ang mga taong tumulong sakin na makabangon. At siempre yung iilang tunay na kaibigan ko na kahit nasa malayo ako eh hndi ako pinapabayaan. 
I've learned that God lets you meet people in your life. Some will teach you a lesson for you to grow; others to help you surpass challenges. God never leaves us. All we need to do is ask Him to enter our lives. 
To take control. Minsan kasi akala natin alam na natin ang buhay. Na hindi na natin siya kailangan kasi nakukuha naman natin yung mga bagay na gusto natin. So sa mga may pinagdaraanan ngayon, just let God take control of your life. It won’t be easy but with God's grace, you will surpass everything. 
Auntie (not her real name)