Pinoy Star | View Details Page

EVENTS

ABC TURNS 2!

What is it about this global social media phenomenon that caught the heart of millions of OFWs?

IRENE CURTIS

HINDI AKO fan ng Aldub. Pero tulad ng milyonmilyong Pilipino – overseas worker o hindi – kailangan ko rin ng Aldub sa buhay ko. Para sa mga hindi nakakaalam kung sino o ano ang Aldub – oo, meron pang mga taong walang kamuwang-muwang pagdating sa Aldub – ito ay ang fictional love team na aksidenteng nabuo sa “Juan for All, All for Juan” segment ng Eat Bulaga nung July lamang.

Al is for actor Alden Richards, ang “Pambansang Bae”; Dub is for “Yaya Dub”, ang karakter ni Maine Mendoza sa nasabing “kalyeserye”. Nagsimula ang kwento nila bilang dalawang taong nagkagustuhan ngunit kinailangang humarap sa napakaraming balakid – gawa ng over-protective at konserbatibong pamilya ni Yaya Dub – para lamang maging sila.

Ngayon, anim na buwan makalipas mula ng magkakilala sila, hindi lamang relasyon nila ang umusbong, kundi ang kasikatan ng dalawang aktor na nagbibigay-buhay sa Aldub. Hindi lang sila sikat,sikat na sikat o napakasikat. Sila ang pinakasikat na fictional tandem ngayon, hindi lamang sa Pilipinas,kundi maging sa iba’t ibang parte ng mundo, salamat sa social media.